About Filipino

  • Increase font size
  • Default font size
  • Decrease font size
Where you're at: > Talambuhay ng Bayani > Apolinario Mabini

Talambuhay ni Apolinario Mabini

talambuhay ni apolinario mabini

Apolinario Mabini

Kahit na may kapansanan, maari ka ring maging bayani ng bayan. Ito ay isang katotohanang naganap sa buhay ng isang paralitiko sa katauhan ni Apolinario Mabini.

Siya ay isinilang sa Tanauan, Batangas noong Hulyo 23, 1864. Kapwa magsasaka ang kanyang mga magulang. Ang kanyang ama ay si Inocencio Mabini at ina niya ay si Dionisia Maranan.

Bata pa lang ay kinakitaan na siya ng katalinuhan. Kahit mahirap lang nabigyan ng pagkakataong makapag-aral nang maipasa ang pagsusulit sa Kolehiyo de San Juan de Letran. Kahit libre sa pag-aaral, kailangang din niyang bumili ng pagkain, iniporme at kagamitan. Napilitan siyang magturo ng Latin sa mga pribadong paaralan sa Maynila, Bauan at Lipa.

Nang magtagumpay niyang matapos ang Bachelor of Arts ay ipinagpatuloy niya ang pagaaral ng Bachelor of Laws sa Unibersidad ng Santo Tomas. Malaki ang gastusin ni Apolinario bilang estudyante ng abugasya kaya namasukan siyang stenographer sa Court of

First instance at klerk sa Intendencia General.
Ang pag-ibig sa bansa ang dahilan kaya muli niyang binuhay ang “La Liga Filipina” noong 1863. Nang halinhan ito ng Cuerpo de Compromisarios noong 1864 ay nahalal si Apolinario Mabini bilang sekretaryo ng organisasyon. Ang nabanggit na samahan ay naglayong magbigay ng moral at pinansyal na tulong sa mga propagandistang Pilipino sa Espanya.

Kahit hati ang sarili sa pag-aaral, pagtratrabaho at pagtulong sa propaganda, nakuha pa ring matagumpay na matapos niya ang abugasya noong 1895.
Habang namamasukan bilang notario publico, dinapuan ng napakataan na lagnat siya na nauwi sa pagkakasakit niya ng polio. Kahit na may sakit, nagpatuloy siya sa pagtulong sa mga rebolusyonaryo.

Nang malaman ng mga Guardia Civil ang pakikisangkot niya sa pagpapalaya ng bansa ay inaresto ang “Dakilang Paralitiko”. Kung hindi sa kanyang karamdaman, maaring naparusahan siyan ng kamatayan. Sa mismong Ospital ng San Juan de Dios kung saan siya ginamot, pinamalagi siya bilang bihay.

Matapos palayain, pansamantala siyang nanirahan sa laguna upang maglunoy paminsan-minsan sa maligamgam na mga batis ng Los Baños.

Ang talino sa batas ay nabigyang diin ni Apolinario nang sumulat siya ng isang artikulo para sa mga lider rebolusyonaryo. Ang nasabing manifesto ay nagpapahalaga sa pagtindig ng Pilipinas bilang isang malayang bansa kung matatalo ng Estados Unidos ang Espanya sa digmaan nilang dalawa. Sa huday ng mga paliwanag ay ipinasundo ni Pangulong Emilio Aguinaldo si Apolinario at ginawa niya itong tagapayo.

Isa sa mga mahuhusay na payo niya kay Aguinaldo ay ang pagpapalit ng porma ng gobyerno. Mula diktaturya, nanging rebolusyonaryo ang porma ng pamahalaan ng Pilipinas. Inorganisa ni Apolinario ang mga lalawigan, munisipalidad at pulisya.

Nagsilbi siya bilang Pangulo sa Konseho ng mga kalihim. Hinirang siya sa Pamahalaang Aguinaldo bilang Kalihim Panlabas. Si Apolinario rin ang pinasulat sa maraming alituntuning dapat ipatupad sa buong bansa.

Dalawa sa mga mahahalagang dokumentong naimbag ni Apolinario ang El verdadero Decalogo at Programa Constitucional de la Republica Filipina. Ang Decalogo ay naglalayong gisingin ang damdamin ng mga Pilipino. Samantala, ang Programa Constitucional ay naglalayong isulat ang isang konstitusyong sundin ng mga Pilipino upang malaman nila ang kanilang mga karapatan at obligasyon bilang mga mamamayan.

Nang matuloy, ang gyera Pilipino-Amerikano, inilikas si Apolinario sa Cuyapo, Nueva, Ecija kung saan nasundan siya ng mga Amerikano. Dalawang taon din siyang naging bihag pangdigma.

Matapos palayain, tumira ang Dakilang Paralitiko sa isang maliit na dampa sa Nagtahan, Maynila. Sa sobrang pagmamahal sa Pilipinas, sumulat sa pahayagang El Liberal ang matalinong abugado. Ang mga makabayang opinion niya ang naging dahilan upang ipatapon si Apolinario sa Guam.

Isang mataas na posisyong pampamahalaan ang ibinigay kay Apolinario ng Pamahalaang Amerikano pero tinalikuran niya ito. Minarapat niyang mamalagi sa kanyang munting dampa na Malaya kahit maralita.

Namatay si Apolinario Mabini noong Mayo 12, 1903 na isang dakilang Pilipinong hinahangaan sa buong mundo.


Add this to your website