About Filipino

  • Increase font size
  • Default font size
  • Decrease font size
Where you're at: > Talambuhay ng Bayani > Marcelo H Del Pilar

Lazada Philippines Lazada Philippines

Talambuhay ni Marcelo H. Del Pilar

talambuhay ni marcelo h del pilar

Marcelo H. Del Pilar

Isinilang noong ika-30 ng Agosto 1850, sa Bulacan, Bulacan sa sampung anak nina Don Julian Del Pilar, naging "Governadorcillo" ng kanilang bayan at Dona Blasa Gatmaitan, kabilang sa isang mayamang pamilya.

Ang kanyang asawa ay kilala sa tawag na "Tsansay" at hindi batid ang apelyido sa pagkadalaga. Ang kanyang mga naging anak ay sina Sofia at Anita.

Noong taong 1849, alinsunod sa kautusan ni Gobernador Heneral Claveria ang kanilang apelyidong Hilario ay isina-kastila.

Mamamhayag ng Kilusang Propaganda at manunula sa ilalim ng taguring "Plaridel".

Edukasyon

Nakapag aral sa Colegio de San Jose sa Maynila. Nakatapos ng Batsilyer ng Abogasya sa Pamantasan ng Sto. Tomas taong 1880.

Buhay at Propesyon

Itinatag at pinatnugutan ang Diaryong Tagalog noong ika 1 ng Hunyo taong 1882 sa tulong na isang kastila na si Don Francisco Calvo y Munoz. Ito ang unang pahayagang inilathala sa wikang Tagalog at unang bilingguwal na pahayagan ng bansa na naglathala ng mga kaisipan ukol sa pagbabago sa Pilipinas. Pangunahing tinuligsa nito ang mga Prayle na iinuturo niyang may pananagutan sa pang aapi sa mga Pilipino, subalit tumagal lamang ang paglathala nito ng limang buwan at napahinto ng ika 31 ng Oktubre 1882.

Sumulat ng isang manipesto na naglalayong paalisin ang mga Prayle sa Pilipinas, na sinang ayunan at nilagdaan ng 800 katao sa isang pampublikong demonstrasyon. Upang makaiwas sa pagkadakip, tumakas ng bansa sanhi ng panawagang pagpapaalis sa Dominikanong Arsobispo Pedro Payo at nang dumating sa Espana, isinulat ang katagang "Hindi ako naparito upang kalabanin ang Makapangyarihan kundi humingi ng pagbabago para sa aking Bayan."

Pinamunuaan ang pangkat pampulitika ng La Asociation Hispano-Filipino (Ang samahang Kastila-Filipino) isang samahang pambayan na binuo ng mga Pilipinong Propagandista at ng kanyang mga kaibigang kastila sa Madrid upang manawagan sa pagkakaroon ng pagbabago sa Pilipinas. Binili nya mula kay Lopez Jaena ang "La Solidaridad" noong ika 15 ng Disyembre at naging patnugot nito. Ang pahayagang naging tinig ng kilusang Propaganda. Dito niya isinulat ang kanyang pinaka dakilang likha ang "La Sobe-rania Monacalen Filipina" (Ang Pamumuno ng mga Hari sa Pilipinas) at ang "La Frailocracia Filipina" (Ang Pamahalaang Prayle sa Pilipinas), na nagtanggol sa karapatan ng mga Pilipino at gayundin ang pagkapantay-pantay ng mga Pilipino at Kastila. Nagsulat ng mga sanaysay at progresibong artikulo na nagbunyag ng mga kalagayan sa Pilipinas at nagpanukala ng kalayaan ng mga Pilipino.

Namatay sa gulang na 46 sa isang pampublikong ospital sa Barcelona, Espana noong ika 4 ng Hunyo 1896 dahil sa tuberculosis sanhi ng malnutrisyon at pagkahapo, inilibing pagkatapos sa libingan ng mga pulubi.


Add this to your website